Inilipat ko na ang blog na ito sa aking sariling host. Sundan ako sa
Pagtanaw sa The Promise
3 08 2010
Pagbukas ko ng TV kaninang tanghali ay naabutan ko ang patapos ng pelikula nina Richard Gutierrez at Angel Locsin na The Promise. Naalala ko noong pinanood ko ito sa sine, oo pinanood ko sa sine kasi yun yung mga panahon na mahal ko si Richard at gusto ko ang tandem nila ni Angel. Sabi din kasi na ito ang unang pagkakataon na meron silang love scene at hindi bastusin ang dating.
Comments : Leave a Comment »
Tags: Angel Locsin, GMA Films, Rhian Ramos, Richard Gutierrez, The Promise, TJ Trinidad
Categories : Drama, Pelikula, Romance, Telebisyon
Subaybayan ang Ilumina
2 08 2010
Mamayang gabi na ang pagsisimula ng bagong tele-fantasya ng GMA7, ang Ilumina. Pinagbibidahan nila Rhian Ramos, Jackie Rice at Aljur Abrenica, tungkol ito sa kambal tuko na magiging mortal na magkaaway. Napapalibutan ng mahika ang kanilang buhay, may mga mangkukulam, at sa pagkakaintindi ko sa mga pakita, ang ilumina ay isang aklat na pinagiingatan ng mga mabubuting mangkukulam.
Comments : Leave a Comment »
Tags: Aljur Abrenica, Ara Mina, Cesar Montano, Christopher de Leon, GMA 7, Ilumina, Jackie Rice, Rhian Ramos
Categories : Tele-Fantasya, Telebisyon
Pilipinas Win na Win!
2 08 2010Pag-bukas ko ng telebisyon kanina ay nasa channel 2 ito, ibig sabihin nanood ng TV yung bago naming katulong sa bahay. Showtime ang palabas at hinayaan ko lang dahil natutuwa naman ako dun sa programang iyon dahil kay Vice Ganda. Nang matapos ang palabas ay ipinakita ang kasunod na programa, sabi ko sa sarili ko, aba si Robin Padilla at Kris Aquino pala ang bagong main host ng Wowowee. Pero ibang pangalan ang ipinakita, Pilipinas Win na Win, yun na ang bagong titulo ng noontime show. Yun at yun pa rin ang mga palaro, mga dancer at mga co-host, pinalitan lang ang pinakatitulo ng programa dahil hindi na si Willie Revillame ang host nito. Ang mayabang at manyak na si Willie, buti na lang at wala na sya.
Comments : 2 Comments »
Tags: ABS-CBN, Eat Bulaga, GMA 7, Kris Aquino, Mariel Rodriguez, Pilipinas Win na Win, Pokwang, Robin Padilla, Valerie Concepcion, Willie Revillame
Categories : Telebisyon
New Born Divas sa Talentadong Pinoy
1 08 2010
Bihira ko naalaalang manood ng Talentadong Pinoy sa TV5, pero ngayong gabi naisipan kong maglipat-lipat ng istasyon kasi hindi ko gusto yung ibang palabas sa ibang istasyon. Mabuting desisyon naman ang nangyari nang mailipat ko sa TV5 at kasalukuyang nagsisimula pa lang ang ika-pito’t huling kalahok na lalaban sa defending champion na ang New Born Divas. Natatandaan kong nung minsan ay parang narinig ko na nga kumanta ang mga batang babae na bumubuo sa grupo noong minsan na nalipat ko din ang istasyon doon pero hindi ko na pinanood at inilipat ulit sa iba pang istasyon.
Comments : Leave a Comment »
Tags: New Born Divas, Talentadong Pinoy, TV5
Categories : Contest, Telebisyon
SocialVibe