
Mamayang gabi na ang pagsisimula ng bagong tele-fantasya ng GMA7, ang Ilumina. Pinagbibidahan nila Rhian Ramos, Jackie Rice at Aljur Abrenica, tungkol ito sa kambal tuko na magiging mortal na magkaaway. Napapalibutan ng mahika ang kanilang buhay, may mga mangkukulam, at sa pagkakaintindi ko sa mga pakita, ang ilumina ay isang aklat na pinagiingatan ng mga mabubuting mangkukulam.
Interesado ako sa istorya, pero hindi ko alam kung susubaybayan ko ba ito dahil hindi ko ganun kagusto ang mga bida. Pero titignan ko kasi mukhang maganda talaga ang kwento.
Kasama ang mga batikang aktor na sila Christopher de Leon, Jean Garcia, at Cesar Montano. Nagbabalik din si Ara Mina bilang ina ng kambal na sila Romana at Krisanta. Gusto ko din ang mga costume nila, parang galing sa mga anime.

SocialVibe