Pagtanaw sa The Promise

3 08 2010

Pagbukas ko ng TV kaninang tanghali ay naabutan ko ang patapos ng pelikula nina Richard Gutierrez at Angel Locsin na The Promise. Naalala ko noong pinanood ko ito sa sine, oo pinanood ko sa sine kasi yun yung mga panahon na mahal ko si Richard at gusto ko ang tandem nila ni Angel. Sabi din kasi na ito ang unang pagkakataon na meron silang love scene at hindi bastusin ang dating.

Naalala ko ding bwisit na bwisit ako sa mga nakatabi ko noon. Mag-isa lang kasi akong nanood at maraming tao sa sinehan, maraming nag-abang sa pelikulang ito, kaya’t hindi maiwasang may makatabing puro reklamo tungkol sa kwento. Para sa akin, maayos naman ang takbo ng istorya hanggang sa dumating ito sa katapusan. Mabilis ang takbo ng kwento pero hindi naman nakakabitin kasi maganda ang paglatag ng bawat pangyayari. Kakaiba ito sa karaniwan dahil hindi sila nagkatuluyan at namatay ang bidang babae sa huli.

Ang problema ko lang sa itinakbo ng istorya eh bakit sa dagat dinala ni Daniel (Richard) si Andrea (Angel)? Hindi ba dapat sa ospital at baka naagapan pa ito? Ang naisip kong sagot dyan ay (1) maaring malayo ang ospital kung saan sila naroon, (2) alam nyang hindi na ito aabot kung sakali sa ospital kaya dinala nya na lang sa dagat para sariwain ang kanilang magandang karanasan para mamayapa ito ng masaya, (3) sa kagustuhan ng direktor na tapusin ang kwento ay hinayaan na lang nilang mamatay si Andrea para matapos na ang paghihirap nito.

Narinig kong nag-uusap ang tatlong babaeng magkakasama na nakatabi ko sa sinehan, ang sabi nila’y walang kwenta at nawalan sila ng gana sa pelikulang ito dahil hindi nagkatuluyan ang mga bida at gayun nga, bakit hindi itinakbo ni Daniel si Andrea sa ospital. Una, kailangan ba na laging magkatuluyan ang mga bida sa istorya? Hindi ba’t mas kapani-paniwala na hindi sila nagkatuluyan dahil sa mga desisyon nila sa buhay? Kung nagkatuluyan ang mga bida at natapos ito ng masaya, magiging isa lang ito sa mga tipikal na love story. Para sa akin, ang ikinaganda ng The Promise ay ang kakaibang takbo ng kwento nito, hindi lahat ng pag-ibig ay natatapos ng masaya.

Isa pang kakaiba dito ay ito na ata ang unang pelikula na napanood ko kung saan parehong mahirap ang nag-iibigang mga bida. Madalas kasi ang isa’y mayaman at ang isa’y mahirap. Kasama din sa pelikulang ito sina TJ Trinidad at Rhian Ramos na gumanap bilang magkapatid na mayaman na nagkagusto sa mga bida.


Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.